Kelot naipit sa bintana todas

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki habang nakaiipit sa grills ng bintana ng isang bahay sa Matanao, Davao del Sur.

Batay sa ulat, umaga ng Biyernes nang matagpuang patay ang 51-anyos na lalaki, caretaker ng isang manggahan. Nakaipit ang katawan nito sa grills ng bintana ng bahay sa Barangay New Visayas sa Matanao.

Ang biktima ay mag-isa lamang umanong naninirahan sa naturang bahay.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Huwebes ng gabi habang nakikipag-inuman sa mga kalugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naka-lock ang dalawang pinto ng bahay at posibleng dahil sa kalasingan ay sinubukan ng biktima na dumaan sa bintana para makapasok sa kanyang bahay.

Hindi pa kumpirmado kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima pero posible umanong may kinalaman ito sa pagkaipit ng kanyang katawan sa grills ng bintana.

Wala umanong indikasyon ng foul play.