Venus Raj saddened by critics failing to see how she rose above "major, major mistake"

Venus Raj Former beauty queen Venus Raj on overcoming her distorted notion about romantic love during her youth: "My life is a testimony of second chances, forgiveness, and grace. A broken vessel fixed by the Master Potter."  PHOTO/S: @ONLYVENUSRAJ INSTAGRAM    

Ikinalungkot ni Venus Raj, 33, ang reaksiyon ng ibang netizens sa kanyang kuwento tungkol sa "major, major mistake" na nagawa niya noong kabataan.

Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, January 24, 2022, ibinahagi ni Venus ang screenshot ng headlines ng dalawang digital news sites tungkol sa karanasan niya.

Kalakip nito ang comment ng isang tagapagtanggol niyang nainis sa ibang netizens na hindi inintindi ang punto ng kuwento.

"Wow, most of the comments are really blaming a then 16 YEAR OLD Venus Raj for not being responsible? Really?

"The blame should be on the 28-yo guy. He's the adult, he knows and should know better," depensa ng netizen kay Venus.

BACKSTORY ON VENUS'S FIRST HEARTBREAK

Kaugnay ito ng pagsiwalat ni Venus na 16 taong gulang lamang siya nang makipagrelasyon sa isang lalaking may edad na 28.

Inakala niya noong patunay ng kanyang pagmamahal sa nobyo ang pagpayag niya sa kanyang "first sexual experience" dito.

Bilang menor de edad, hindi raw niya naintindihan na may "void" sa buhay niya noon.

May personal na hugot si Venus dahil lumaki siya nang hindi nakilala kung sino ang tunay niyang ama, at sinubukan niyang punan iyon sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon.

Base ito sa panayam ni Toni Gonzaga kay Venus sa Toni Talks noong January 23, 2022.

VENUS RAJ: "YOUR PAST DOES NOT DEFINE YOU."

Inihayag ni Venus na nasaktan siya sa mga bumatikos sa kanya.

Sa halip daw na magpokus sa aral na natutunan niya mula sa kanyang first heartbreak, sinisi pa siya ng ibang netizens.

Kaya muling ipinaliwanag ni Venus na hindi niya hinayaang malugmok siya sa kanyang pagkakamali noon.

Pahayag ni Venus: "It stings! [sad emoji]

"It's sad to see how others see a half-filled glass as half-empty. I guess perspective matters.

"To all the women out there, I remain true to the message that I shared in @tonitalks. I’d like to encourage you of it again:

"1. Your past does not define you.

"2. Your future is ahead of you, not behind you.

"3. No matter how filthy you have been, when you run to God, He embraces you, forgives you, and gives you a new life, and a new identity in Him.

"4. He loves you despite the cracks."

FULFILLING HER PURPOSE

Inamin ni Venus na hindi madaling aminin sa publiko ang isang bagay na itinuturing niyang "major, major mistake" sa buhay niya.

Pero naniniwala raw siyang naging daan iyon para mas lumalim ang pananalig niya sa Diyos—na ito ang bubuo sa kanyang pagkatao.

Dagdag ni Venus: "Don’t let people brand you of someone you’re not. Don’t be afraid to share your story.

"My life is a testimony of second chances, forgiveness, and grace. A broken vessel fixed by the Master Potter.

"It took a lot to muster my courage to share this to you. My main reason is to glorify the One I serve.

"I guess I have fulfilled that purpose."

Ginamitan niya ito ng hashtag na "#JesusBeGlorified."

Venus Raj
PHOTO/S: @ONLYVENUSRAJ INSTAGRAM    

Si Venus ay itinanghal na Miss Universe 2010 fourth runner-up.

Nakilala rin siya bilang TV host, pero sa kasalukuyan ay hindi aktibo sa showbiz.

Abala siya sa pakikipag-ugnayan sa Christian missionaries, pagiging community volunteer, at youth advocate. Nagtapos siya sa Oxford Center for Christian Apologetics sa Oxford, England.

MESSAGES FROM CELEBRY FRIENDS

Nagpaabot naman ng mensahe ang ilan sa mga kaibigan ni Venus na nabasa ang kanyang Instagram post.

Sabi ng Kapuso host na si Iya Villania, "Love you, Vee!"

Iya Villania

Dagdag ni Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, "You are loved!"

Precious Lara Quigaman

Nag-iwan naman ng heart emojis si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Rabiya Mateo