Naaalala Niƴo Pa Ba Ang Bata Sa Pelikula Na CJ7? Ito Na Pala Siƴa Ngaƴon!

Marami ang nagulat sa bagong hitsura ni Xu Jiao, ang bata sa pelikula na CJ7.

Taong 2008, nakilala ng maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo si Xu Jiao sa edad na 9 noong siya ay napili ng Hong Kong comedy superstar na si Stephen Chow Sing-chi na bumida sa kaniyan Chinese science-fiction comedy film na CJ7.

Ginampanan ni Xu Jiao ang role ng isang lalaki sa pelikula na CJ7 noong 2008. Sa 10,000 na mga bata na nag-auditioned upang makuha ang role, siya ang pinili ni Hong Kong actor-director Stephen Chow.

Sa naturang pelikula, siya ay gumanap bilang anak ni Chow at pati na din ang alien dog sa pelikula. Marami naman sa mga manonood ang humanga sa husay ni Xu pagdating sa pag-arte.

Si Chow naman ay ginampanan ang role ni Ti, isang mahirap na biyudo na nagtatrabaho ng mahabang oras sa isang construction site upang mapag-aral niya ang kaniyang anak.

Ang pelikula ay kumita ng tinatayang $54-M sa global box office. Ito din ang naging daan para makilala si Xu hindi lamang sa kanilang bansa kundi pati sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Siya ay nanalo bilang best new performer sa 28th Hong Kong film awards para sa husay na ipinakita.

Ngunit, isa sa mahirap na pinagdaanan ni Xu noong ginampanan niya ang kaniyang role sa naturan pelikula ay ang pagkawala niya ng karanasan pagdating sa pag-arte.

Inamin ng Chinese actress na ang CJ7 ay isang tr4umatic experience para sa kaniya dahil napaka istrikto umano ni Chow. Kinailangan nilang mag-take ng 20 hanggang 30 times sa bawat scene.

Ngayon ay isa ng ganap na dalaga si Xu Jiao. Bukod sa kaniyang charm at cuteness, hindi maipagkakaila ang kaniyang angking kagandahan.

Dahil sa mahal ni Xu Jiao ang kultura ng Hanfu, siya ay madalas na nagsusuot ng Hanfu upang ipakita ang hitsura ng “Xianqi.”

Siya din ay mayroong mga negosyo, sariling clothing brand, at nagbebenta din siya ng kaniyang mga paboritong Hanfu.