Sa mundong ating ginagalawan ay may dalawang uri ng pamumuhay, may sagana at may mga kapus-palad. Maswerte ang mga batang lumaki sa masaganang buhay dahil hindi na nila kailangang isipin kung saan kukuha ng mga bagay na kakailanganin lalo na sa pang araw-araw at pag- aaral.
Tulad ng batang ito, dahil sa kakapusan sa pera naisipan niyang gumawa ng improvised ballpen upang magamit sa pagsulat . Sa simpleng bagay na iyon hindi niya magawang makabili dahil sa kawalan na rin ng pera at mas pinili niya nalang magtiis sa ginawa niyang ito.
Marami sa mga bata ngayon ang mas pinipiling hindi nalang mag-aral dahil walang kakayahan ang mga magulang, at mayroon din mga batang pinipilit mag sumikap makapag-aral kahit walang-wala para maabot ang kanilang mga panggarap at isa na rito ang batang ito.
Ang kwento ng batang si Jan Kim ay talagang nakakaantig ng puso, nakilala ang batang ito ng mag viral ang post ng kanyang guro tungkol sakanya. Siya ay nasa ikalawang baitang na at nag-aaral sa Union Elementary School sa Sta. Rita, Samar.
Sa tuwing may pinapagawang sulatin o seatwork sa kanyang mga estudyante, napansin niyang maykakaiba sa batang ito. Nung una hindi niya agad napansin ito pero ng tuunan niya ng pansin ito, nalaman niyang ballpen ang gamit ng bata imbes na lapis at ng tingnan niya ito nakita niyang tinatago ng bata gamit ang kabilang kamay ang ballpen na gamit nito.
Ngunit ng lapitan ito ng guro, nalaman niyang ang gamit na ballpen ng kanyang estudyante ay isa lamang improvise. Ang improvised ballpen na gawa ng bata ay isang ink chamber na nilagay sa kapirasong kahoy at tinalian ng guma. At ng tanungin ito ng guro kong bakit iyon ang kanyang gamit, ang tanging sagot ng bata ay dahil may napulot siyang daw siyang sirang ballpen kaya kinuha niya ito at ng malaman niyang may tinta pa ito, ginawa niya iyon para magamit niya pa.
Dahil nasa ikalawang baitang palang si Jan, hindi ballpen ang dapat na gamitin nito. Ngunit nakiusap siya sa kanyang guro at pinagbigyan naman ito, dahil alam rin naman siguro ng guro kong ano ang sitwasyon ng batang si Jan.
Sa salaysay ng guro, binangit niya na itong batang ito ay talagang may dedikasyon sa buhay, masipag at talagang nagpupursige dahil gusto raw nitong maging isang Guro. Dahil sa mga nalaman ng guro hindi nito mapigilang maiyak at maantig kaya ibinahagi niya ang kwento ng batang Si Jan. Naway mag bigay ito ng aral at inspirasyon sa lahat ng bata ganun rin sa matatanda.