Jean Garcia, May Nakuhanǥ Green Bones Sa Katawan Nǥ Ina Matapos Anǥ Cremation

Isang malungkot na balita ang inanunsyo ng Kapuso actress na si Jean Garcia sa kaniyang social media accounts noong Biyernes tungkol sa pagk4m4tay ng kaniyang ina na si Sandra Garcia.

Sa isang exclusive interview sa 24 Oras ng GMA Network, ibinunyag ni Jean na sila ay pumunta sa halos 10 na ospital. Noong na-admit na ang kaniyang ina, doon nila napag-alaman na ito ay nagpositib0 pala sa C0VID-19.

Aniya,

“Siguro more than 10 [ospital] kasi 2:00 a.m., e, nakapasok siya sa Cardinal [Santos Medical Center] 3:00 p.m. e. Ganun ka-grabe. Hindi ako makapaniwala. Papaano? Papaanong nangyari? Bakit nagpositive si mommy? Di ba hindi naman tayo lumalabas, hindi rin siya lumalabas.

“So, sabi ko, pa-test nyo ulit. Pina-test ko pa nang dalawang beses at talagang positive, Aubrey.”

Kahit pa man ang pag4kawala ng kaniyang ina ay nakakadurog ng puso, sinabi ng aktres na nag-iwan naman sa kaniya ng masasayang alaala ang kaniyang ina.

Hindi nagbago ang pagmamahal at kabaitan na ipinakita sa kaniya ng kaniyang ina. Sinabi ni Jean na na-cr3mate na ang kaniyang ina noong Linggo, Abril 4.

Ang kaniyang ina ay mayroon umano na “green bones” na tinuturing naman ni Jean bilang huling regalo na bigay ng kaniyang ina na si Mommy Sandy sa kaniya.

Saad ng aktres,

“Bago pa mag-end nung cr3mation, mayroon siyang green bones.”

Dagdag niya,

“So pagbaba ko na ang daming message galing sa mga Chinese friends ko pati inexplain sa akin ng Arlington na pinagmamalaki nila na may green bones si Mommy.

“Yung greenbones pala it’s very rare. Hindi lahat ng tao pag sinunog may green bones. Yung green bones daw ang ibig sabihin nung nabubuhay pa si Mommy napakabuti niyang tao sa kapwa niya.

“Kaya sa Chinese raw, that’s very rare and very lucky, which is totoo naman. Wala siyang meanness sa katawan, maski sa mga kapatid niya. Nang tumanda siya mas lalo siyang naging mabait.”

Dagdag pa ni Jean na kahit pa man iniwan na sila ng kaniyang ina, proud na proud pa din siya dito dahil sa kabutihan at kabaitan nito.

Sa ngayon, si Jean ay nakasailalim pa din sa self-isolation.