Isang Bata, Napahagulgol Sa Pagkawala Ng Kaniƴang Minamahal Na Alagang Aso

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig sa mga hayop kaya nga binasagan ang ilan sa atin bilang “animal lover” o “pet lover”. Tunay nga naman kasi na masaya at nakakatuwang mag-alaga ng mga hayop dahil tila ba ay nagkaroon tayo ng isang matapat at hindi nang-iiwan na kaibigan sa kanila.

Katulad na lamang ng mga aso o kung ilarawan ng marami ay “man’s bestfriend”. Ang mga aso ay tinatawag din bilang Bantay dahil sila ang nagbabantay at naiiwan sa bahay sa tuwing wala ang kanilang mga amo sa bahay o sa mga oras na mahimbing na natutulog ang mga ito.

Marami ng mga sitwasyon kung saan napatunayan ng mga aso ang kanilang pagiging mapagmahal at tapat sa kanilang mga amo. Kailanman ay hindi nila iniwan ang kanilang mga amo at sinasamahan nila ito sa kung saan man ito magpunta.

Kaya naman ganoon na lamang din tayo ka-attach o kalapit sa mga aso. Kapag mayroong masamang bagay na nangyayari sa kanila o di kaya ay nam4tay sila ay talagang labis na kalungkutan ang ating nadarama.

Kagaya na lamang ng bata na ito na labis ang hagulgol sa pagkawal4 ng kaniyang minamahal na aso.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na ‘Ah Fong’, makikita ang isang bata sa gilid ng kalsada habang hawak ang kaniyang alagang aso. Sa nasabing video, kapansin pansin din ang labis na paghagulgol ng bata dahil sa pagkawala ng kaniyang minamahal na aso.

Kahit pa man inaawat na ng magulang ng bata ang nasabing bata ay hindi ito nagpatinag bagkus ito ay nakaupo lamang sa gilid at umiiyak habang hawak pa din ang kaniyang aso.

Mabilis na nag viral sa social media ang nasabing video. Marami sa mga netizens ang naka-relate din sa dinaramdam ng bata dahil napakasakit nga naman mawala nang alaga na iyong minahal ng lubusan.