Bakit sa mismong kasal pa? Isang hindi inaasahang pangƴaƴari para sa dapat aƴ napakasaƴang okasƴon

Ang kasal ay isa sa pinakaaabangan at pinakahahandaang okasyon ng marami sa atin katulad ng mga Pilipino. Ang pag-iisang dibdib at pagbubuklod ng dalawang taong nagmamahalan na isang beses lang darating sa bawat buhay ng bawat isa.

Ngunit, paano na lang kung ang pinaka hindi malilimutang tagpong ito ay mauwi sa pinaka masakit na karanasan? Wala ng mas sasakit at makadudurog sa puso sa nangyari sa kasalan ng dalawang pusong nag-iibigan, nang sa kalagitnaan ng seremonya ay binawian ng buhay ang isa sa kanila. Kinilala ang dalawa bilang sina Victor Milano at Marjorie Calizar, sila ay ikinasal sa Tiaong, Quezon Province

Gaya ng nasabi, ang dapat ay masayang pagtitipon para sa magkasintahan ay naging masalimuot na kahapon. Hindi maitatanggi na napakahirap tanggapin para sa nobyo ng babae na ito ay namayapa na sa gitna mismo ng kanilang kasalan. Napag alamang ang babae ay nilalabanan ang malubhang sakit na cancer mula pa noong isinasagawa ang mga preparasyon para sa kanilang kasal.

Ang masalimuot na kwentong ito ay hango sa post sa social media galing sa kanilang mga kaibigan, kasama ng ilang larawan at bidyo na talaga namang ikinalungkot ng marami.

Sa kanilang kasal kasama dito ang mga nangangalaga sa may sakit na babae upang maging gabay at suporta, ngunit tila hinintay lang ng babae ang araw ng kanilang kasal bago tuluyang magpaalam.

Marami sa mga netizens ang nagpaabot ng pakikiramay, at ang kwentong ito ay umani ng maraming komento. Sabi ng marami, ito ay isang pagpapatunay ng totoong pagmamahal ni lalaki sa kanyang nobya hanggang sa mga huling sandali nito.