British na nais lamanǥ tumulonǥ sa nasalanta nǥ baǥƴonǥ Odette, nanakawan pa nǥ wallet!

Marami ang nag-abot ng tulong sa mga biktima ng b4gyong Odette. Artista, normal na mamamayan at kahit mga banyaga o dayuhan. Dapat tayo ay magpasalamat ngunit bakit ang isang British na umaabot lamang ng tulong ay nanakawan pa habang namimigay ng relief goods.

December 21, 2021 bandang Alas kwatro y medya o alas singko ng hapon sa may Zamora at Aglipay Street nang nadukot ang wallet ng kinilalang British Man na si Graham Beard.

Namimigay umano ito ng mga relief goods kagaya ng tubig at biscuits sa mga nangangailan sa Bais City, Negros Oriental.

Dinagsa umano ang sasakyan nina Graham kaya naman siksikan ang mga ito. Ayon sa isang citizen, nakapansin umano siya ng grupo ng mga kalalakihan na tila may masamang binabalak. Nabigyan pa raw ito ni Graham ng tubig at biscuits ngunit bumalik ito ilang sandali ang nakalipas.

Kapansin pansin raw dito ang senyas nga mga ito tila may gagawing masama. At makaraan lamang ang ilang oras, noong patapos na sila saka na napansin ng banyaga na nawawala ang kaniyang wallet na naglalaman umano ng mga pera, ATM cards, Green Card at mga IDs.

“I really need all my ID cards returned to me. The wallet and other stuff is not important as nothing can be used by anyone else.”

Ngunit sa kabila nito, meron parin talagang may mabubuti at malinis ang puso. Base kay Beard, may tumawag umano sa kanilang nag ngangalang Vincent, nasa kaniya raw ang wallet nito. Kaya naman babalik sila ng asawa sa Bais upang kunin ito.

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng kabaitan ng isang tao, nagagawa pa itong pagtaksilan. Nawa’y hindi na maulit at matuto tayong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob kahit pa banyaga ang mga ito.