Sharon Cuneta, gustong ampunin si Julia Montes: “Lalo syang napapalapit at napapamahal sa akin.”

Mas lalong naging malapit sa isa’t-isa ang mga Kapamilya stars na sina Sharon Cuneta at Julia Montes.

Magkatrabaho ngayon sa longest running tv series ng ABSCBN na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sina Megastar at Julia.

Sa istorya sa teleserye ay sina Julia at Sharon ang tunay na mag-ina. Kaya naman sa tunay na buhay, ay mukhang nais na nga talaga ni Ate Shawie na maging nanay ni Julia.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, ibinahagi ni Sharon na mas lalo umano siyang napamahal kay Julia.

Aniya, “Habang tumatagal, lalo syang napapalapit at napapamahal sa akin. Gusto ko na nga ampunin si @montesjulia08 para maging anak ko na talaga! Love you baby ko!”

Kalakip nito ay ang larawan nila na nakaangkas sa motor at nakayakap si Sharon kay Julia.

 

Noong kaarawan naman ng Megastar nakaraang buwan ay binati din siya ni Julia gamit ang larawan na sila din ay magkayakap.

 

Maraming netizens naman ang nagsabi na papasa ngang mag-ina ang dalawa. Dahil parehas nakakahumaling ang kanilang mga ngiti.

Sa kuwento ng serye ay anak ni Sharon (bilang si Aurora) si Julia kay Presidente Oscar Hidalgo played by Rowell Santiago.

Ayon pa sa ilang ulat ay hinabaan ang partisipasyon ni Mega sa ‘Ang Probinsyano’. Hanggang matapos daw ang serye ay naroon na si Mega.

Ngunit magpasahanggang ngayon ay hindi pa malaman kung kailan nga ba ang pagwawakas ng pinakamatagal na umeereng serye sa Kapamilya.

Sa ngayon ay magkasama sina Sharon at Julia at iba pang mga cast sa Ilocos para sa lock-in taping ng Ang Probinsyano.