Cristy Fermin, sinabing hindi kilala niya kilala si Dawn Chang matapos magpalitan ng demand letters ang magkabilang kampo!

Nagbigay na ng kanyang pahayag si Cristy Fermin ukol sa pag-demand ng public apology ng kampo ni Dawn Chang.

Kahapon, Lunes, February 14, nakapanayam ni Cristy ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio. Sa kanyang programang Cristy Ferminute

Ito’y para talakayin ang hinihinging public apology mula sa radio host at veteran entertainment columnist ng abogado ni Dawn na si Atty. Rafael Vicente Calinisan.

“Kung inyo po susuysuyin ‘yung batas, ‘yung mga desisyon ng ating kataas-taasang hukuman tungkol sa libelo. Kung ikaw ay public figure na katulad ni Dawn Chang, ‘no, hindi ko talaga siya kilala e. Ngayon ko lang nakilala pero mukha naman siyang public figure. Lumalabas pala siya sa isang palatuntunan ‘pag tanghali bilang isang mananayaw, ang batas po natin sinasabi, ang malice, ‘yung malisya ay hindi presumed,” saad ni Atty. Topacio.

“You have to prove maIice. Hindi po tulad na kapag ang nilibelo mo ay isang pribadong tao, maIice is already presume. Meaning to say, public personality, maIice is not presumed at ‘yung nagrereklamo ang may burden of truth to show. Na ikaw ay may maIice at ‘yan pong essence ng libelo ay maIice. Kung walang maIisya, e mali siya,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Cristy na hindi niya talaga kilala ng personal si Dawn Chang.

Sa kabila ng pag-aakusa niya kay Dawn na “nakikipaglandian sa mga boss,” iginiit ni Cristy na hindi niya kilala “yung dancer.”

Ani Cristy, “Ito, totoong-totoo ito. Kahit anong sabihin ko tungkol kay Dawn Chang, sino? ‘Ah, yung dancer?’

“Ibig sabihin, hindi ko talaga siya kilala. Sorry po pero hindi ko siya kilala at hindi rin siguro niya ako kilala.

“Never pa po kaming nagkaharap, nadidinig ko lang po ang kanyang pangalan sa telebisyon, kung nadidinig ko man.

“Wala pong malisya dahil hindi ko siya kilala. Yun lang.”