Migrant worker naglalakad papuntang subway mula trabaho gabi-gabi para sa internet at makausap ang pamilya!

Migrant worker, naglalakad mula trabaho papuntang subway para makikonekta sa internet at makausap ang pamilyang na sa malayo.

Marami ang nagsasakripisyo para lang masustentuhan ang kanilang mga pamilya. Isa na dito ang mga workers na napipilitang pumunta sa malayo para sa mas maayos na sahod.

Ganito ang kwento ng mga taong may malaking gampanin sa buhay ng kanilang minamahal at kinakailangan na magsakripisyo kahit na mahirap malayo sa mga minamahal sa buhay.

Kagaya na lamang ng isang lalaki na nagtatrabaho sa Shanghai, China na nagngangalang Ge Yuanzheng. Ayon sa ulat, mula sa malayong lugar si Yuanzheng at napilitang pumunta sa Shanghai para sa mas maatas na pasahod.

Pero napakalungkot naman nito para sa kanya dahil malayo siya sa kanyang pamilya. Mabuti na lang at uso na ang teknolohiya ngayon pati na din ang social media. Pero kahit na ganoon, kinakailangan pa din niyang maglakad mula trabaho papuntang subway station.

Ang naturang subway station kasi ay nago-ooffer ng libren internet para sa mga pasahero nito. Dito na nakita si Yuanzheng ng isang napadaan lang. Makikita sa larawan si Yuanzheng na nakaupo sa sahig habang nakikicharge at internet sa subway.

Kausap niya pala ang kanyang asawa at pamilya. Nagtitipid daw kasi ito para hindi na kailangan pang mag bayad para sa internet services sa gayon ay makapagpadala ng mas malaki sa pamilya.

marami naman ang naantig sa kwento na ito ni Yuanzheng.