OMG! Isang makapigil hiningang pagtawid sa tulay na lubid. Ano po ang masasabi niyo? Panoorin!

Isang video na kumalat sa social media ang talaga namang nag trending dahil sa makapigil hiningang eksena dito kung saan makikita ang isang babaeng may buhat na bata habang tumatawid sa tulay na lubid lamang.

Ang tulay na lubid ay matatagpuan diumano sa Bongabong, Oriental Mindoro at ginagamit ng mga residente doon na pagtawid sa ilog na animoy nagsisirkus at talagang namang buwis-buhay.

Kaya naman ng iupload ang video ng babaeng may bitbit na bata habang tumatawid sa lubid ay hindi talaga maiiwasang magbigay ng kani-kanilang komento at saloobin ang mga netizens.

Tanging lubid lamang kasi ang kinakapitan at tinatapakan ng babae habang bitbit nya sa ‘baby carrier’ ang bata. Kahit makikitang sanay na ang babae sa pagtawid doon ay talaga namang nakakatakot pa rin panoorin ito dahil napakadelikado at tila nakataya ang buhay ng mga residente.

Sadyang nakakalungkot din isipin na mayroon pa ring mga lugar sa ating bansa na nakararanas ng ganitong kahirapan, na ang tanging dasal at hiling ay makarating sa mga kinauukulan ang kanilang sitwasyon upang mabigyang lunas naman ang kanilang dinaranas na pasakit.

Maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang komento at saloobin sa naturang video. Ang iba ay nagpakita ng paghanga sa mga residente doon dahil anila, iba talaga ang diskarteng Pinoy at likas na maparaan. Na kayang harapin ng buong tapang ang panganib sa pagtawid, maituloy lamang ang buhay.

Ngunit mas marami ang tila nangamba at nabahala sa sitwasyon nila kaya naman maramin ang nanawagan sa pamahalan ng kung maaari ay mabigyan naman ng pansin at agarang solusyon ang suliraning imprastraktura sa lugar na iyon tulad ng bagong tulay.