Ellen Adarna nagpalagay ng IUD kaya hindi pa umano nabubuntis ni Derek Ramsay.

Usap-usapan ngayon online ang IUD na pinagalagay ni Ellen Adarna sakanya kaya hindi ito basta marahil pala mabubuntis ni Derek Ramsay.

At ani naman Cristy Fermin sa show nito na ”Showbiz Now na!”  si Derek mismo ang naghayag na nagpalagay talaga si Ellen ng IUD (Intra Uterine Device)

Matatandaan na may 4 Months na din ang nakalipas mula ng ikasal si Derek at Ellen. Sa ngayon nagtungo ang mag asawa sa Africa para duon mag honeymoon.

Gayunpaman wala daw pang balak mag anak ang dalawa. Na pagdidiin ni Cristy kaya daw rin ito nagpalagay ng IUD para makaiwas at makatulong na hindi ito mabuntis.

Sa kabila nito ipapaalis din daw ito ni Ellen sa susunod na taon, dahil ito ang napagusapan nilang plano sa pagkakaroon ng anak.

Tinanong din ni Cristy kung ngayon lang ba daw ito nagpalagay IUD o noong sila pa noon ni John Lloyd?

Sa kabila nito inulan naman ang mag asawang Ellen at Derek ng maraming papuri mula kay Cristy.

Dahil sa pagiging responsable nilang mag asawa, bilang magulang na din ni Elias na anak ni John Lloyd kay Ellen.

 

Marahil kung iisipin nga naman kaya ng dalawa ang bumuhay ng maraming supling lalo’t parehas nasa maayos na sitwasyon ang mag asawa.

Ani ni Cristy, “Pero bilib ako ah, napakaresponsable nilang magulang. Kasi bata pa si Elias, ayaw pa nilang masundan, eh kahit nga tatlong dosena kaya nilang mag-anak eh,”

Panoorin ang kabuan ng usapan: