Miss U PH 2020 na si Rabiya Mateo nakipagsagutan sa mga bashers niya sa TikTok

Naging palaban na din si Miss U PH 2020 Rabiya Mateo pagdating sa mga bashers niya online.

Kamakailan lang ay napa-throwback si Rabiya sa mga panahon na siya ay nasa pageant pa. Isang video ay kanyang ibinahagi sa TikTok.

Ito ay noong nag-eensayo siya sa pagrampa bago lumaban sa Miss Universe 2020 na naganap sa Florida, U.S.A. noong May 2021.

Suot ang red two piece bikini ay pina-practice ni Rabiya ang kanyang “Hala Bira” walk.

“Namiss ko din maglakad na parang mababale na yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again?” saad nito sa kanyang caption.

Sa comment section naman ng kanyang post ay hindi maiiwasan ang mga negatibong komento ng mga netizens. Kaya naman may mangilan-ngilan din na sinagot ni Rabiya.

Una niyang sinopla ay ang tila minaliit  ang kanyang Top 21 placememt sa Miss Universe 2020 pageant.

Sagot dito ng beauty queen, “Atleast di binabayaran hahahaha”.May ilan naman na nagsabing muli sanang sumali si Rabiya sa pageant gaya ng Miss World Philippines o kaya naman Miss Philippines Earth.

Ngunit may ilang bashers ang kumontra rito. Sabi ng basher na nagtago sa isang dummy account  “wag na talo ka naman e.

Palaban naman na sagot dito ni Rabiya, “Hahaha talo nga pero ganito naman po yung face ko, panalo padin. Kesa naman po ganyan mukha ko kagaya nyo, nako forever talo talaga ako nyan hahahaha”

Marami ring nagpahayag ng suporta kay Rabiya. Ang ilan nga sa mga ito ay nakikipagsagutan din sa bashers ng beauty queen.See more