Mayor na diumano’y tinawag ni Kris Aquino na ‘walang utang na loob’ tanggap na Kakampink ang mga anak niya

Usap usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagbanat ni Kris Aquino sa Mayor ng Tarlac City na si Cristy Angeles.

Matatandaan na sa grand rally na ginanap noong Marso 23 ay tinawag ni Aquino na “walang utang na loob” si Angeles na sumusuporta ngayon kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hindi naman naiwasan ng mga anak ni Mayor Angeles na ipagtanggol ang alkalde mula sa mga banat ni Aquino.

Sa katunayan nga daw ay pareho ang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo ni Aquino at ng mga anak ni Angeles.

Ngunit inirespeto daw ito ng alkalde kahit na si Marcos ang iboboto niya habang ang mga anak niya ay si Robredo ang pipiliin.

Ibinahagi ito ng anak ng alkalde na si Mark Angeles kung saan makikita sa group chat nilang magkakamag-anak na nagpaalam ang kapatid niya na si Anvi na si Robredo ang susuportahan nila.

“Its ok anak. We will respect the personal choice of everyone in the family. The right to freedom of choice,” sabi ng alkalde sa kanyang mga anak.

Dahil dito ay hindi napigilan ni Mark na batikusin si Aquino dahil sa mga sinabi nito laban sa kanilang ina.

“Di ko lubos maisip na kailangang humantong sa pagdadala ng KAMUHIAN ang kampanya ni Miss Kris Aquino. Akala ko po ba disenteng national campaign? Bakit kailangang mang yurak pa ng iba?” ani Mark.

“Gusto ko sanang manahimik pero sana po maunawaan ninyo na nanindigan lamang po ang kapatid ko bilang ANAK, at hindi bilang botante.” dagdag pa nito.

“Tulad po ninyo na mayroong ding mga sariling ina at kapatid, ayaw nating makitang sinasaktan sila. Sa katunayan, ng paalam pa ang kapatid ko na mag Leni kahit napag pasyahan na BBM ang susuportahan ng aming mga magulang, na siya naman pong MALUGOD na TINANGGAP at NIRESPETO ng aming ina at ama.”

Hindi pa sumasagot si Aquino sa post ng mga anak ni Angeles.
Matatandaan na binatikos din ni Anvi si Aquino dahil sa sinabihan ang pamilya niya ng “walang utang na loob”.

READ MORE: Anak ng Tarlac City Mayor, binatikos si Kris Aquino matapos silang tawaging “walang utang na loob”