Isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ang aktres na si Eliza Pineda. Sa angkin niyang husay sa pagiging artista ay hindi maikakailang marami ang
Isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ang aktres na si Eliza Pineda. Sa angkin niyang husay sa pagiging artista ay hindi maikakailang marami ang umiidolo sa kanya. Namayagpag ang kanyang karera noong siya ay bata pa.
Matatandaang si Eliza ang gumanap na Flor sa teleserye ng ABS CBN na Flor de Luna. Dito mas naipamalas niya ang galing bilang isang batang aktres kung kaya naman tumatak sa publiko ang galing nito.
Una siyang naging bahagi ng Goin’ Bulilit noong pitong taong gulang pa lamang ito. Mapapanood din siya noon sa “Mga anghel na walang langit”, “Kung Fu Kids” at “Flor De Luna”.
Sa Flor De Luna ito namayagpag dahil nakuha ng teleserye ang puso ng bawat tagasubaybay dahil sa family oriented ang naturang palabas niyang ito.
Nang lumaon ay lumipat sa kabilang network ang dalaga at sumalang naman sa GMA award winning drama anthology na “Magpakailanman” kung saan gumanap sa storya ng buhay ni Kyline Alcantara.
Matagal na namahinga sa showbiz si Eliza at marami na rin ang nakakamiss sa kanyang mga acting skills.
Ginulat naman nito ang kanyang glow up ng magdalaga ito. Kapansin pansin ang natatangi nitong mala-anghel na ganda na siya namang hinangaan ng kanyang mga fans ngayon.