Bata nagkaroon ng pambihirang sak1t na inakalalamang na allergy

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang bata mula sa Antique, matapos kasi ito tamaan ng kakaibang sakit na halos hindi na niya maigalaw ang kanyang buong katawan dahil sa mga sug4t na bigla nalamang sumulpot.

Saad ng kanyang ng inang si Daylyn isang OFW sa singapore “Nu’ng una, akala namin, allergies lang kaya nagbabalat ‘yung katawan niya. Binigyan ng gamot. Pero after a week, hindi pa rin gumagaling.Nilagnat na siya.


Dag-dag pa ng ina ng bata “Yung mukha niya, namamaga na! Hanggang ‘yung balat niya, nangingitim na.Yung mata niya, parang lumuluwa na.Hindi ko na halos makilala yung sarili kong anak!”


kwento pa ng ina”Yung katawan ko, dito nagtatrabaho sa Singapore. Pero ‘yung isip ko, nasa anak ko sa Pilipinas.Gustong-gusto ko nang umuwi para maalagaan siya. Pero hindi naman po ako makauwi.Kapag umuwi kasi ako, walang tutustos sa panggamot niya, sa pag-aaral ng iba kong anak at sa iba pa nilang pangangailangan.


Sobrang sakit sa dibdib!Wala na po akong ibang dasal kundi gumaling po ‘yung anak ko. Tulungan n’yo po kaming madugtungan ang buhay niya.”


“Nakadudurog ng puso! Panginoon ko sana ay magkaroon ng lunas ang kalagayan ng batang ito upang maging masaya pa ang kanyang buhay kapiling ng kanyang pamilya. Huwag po sanang mawalan ng pag-asa na lumaban sa buhay ang kanyang pamilya! Padalhan Mo po sila ng instrumento o mga taong lubos na makatutulong sa kanila!”-Netizen