Chescᴀ ᴀt Doug Krᴀmer endorsers with a heᴀrt, nᴀmigᴀy ng Parᴀcetamol sa mga nᴀngangᴀilangᴀn

Mag-asawang Chesca Kramer at Doug Kramer muling hinangaan ng kanilang mga taga suporta.

Pagpasok nitong bagong taon, madami sa mga Pinoy ang nagkas4kit partikular na ang pagkakaron ng ub0, sip0n, at lagn4t.

Dahil dito, nagkaubusan sa maraming botika at iba pang bilihan ng mga gamot ang mga panglunas dito. Maraming kumalat sa social media ng mga larawan ng mahahabang pila sa mga botika at ang iba ay may naka paskil na sa labas na ubos na ang kanilang mga gamot.

Kaya naman, ang mag-asawang Doug at Chesca ay nagmabuting loob na mamigay ng mga Paracatemol Tempra para sa mga bata.

Sa Instagram ng actress vlogger, nag bahagi ng video ang mag-asawa kung saan makikita ang isang kahon ng nasabing gamot.

Ayon sa kanila, ipapamigay daw nila ito sa kanilang mga followers na nangangailangan ng gamot. Nag iwan lang daw sila ng sapat na supply para sa kanilang mga anak.

“We have Paracetamol Tempra Forte for you guys. We know there’s been a shortage,” bungad ni Doug.

Sa captiuon naman ni Chesca, inilahad niya kung paano makakakuha ng gamot mula sa kanila.

“We left just enough stock for our kids. We’re giving the rest for your children. We’ll give 2 each of these Tempra Paracetamol syrup to you guys who will DM or leave their details.”

Sagot din daw nila pati ang bayad sa pagpapadala ng gamot. Pero naging limitado lamang ito sa mga nasa loob ng Metro Manila.

Madami naman ang nagpasalamat sa dalawa para sa kanilang malasakit sa mga nangangailangan.