Xia Vigor, Mamanahin Ang 14 Na Bahay Na Pagmamay-ari Ng Kaniyang Ama Sa England

Si Xia Vigor ay isa sa mga kilala at hinahangaan na child star sa Philippine showbiz industry magpahanggang ngayon. Sa loob ng limang taon s...

Si Xia Vigor ay isa sa mga kilala at hinahangaan na child star sa Philippine showbiz industry magpahanggang ngayon. Sa loob ng limang taon sa showbiz limelight, talaga nga namang pinabilib niya ang publiko sa kaniyang mga talento.

Ang British-Filipino child actress na si Xia Vigor ay unang nakilala noong siya ay tanghalin bilang Grand winner ng segment na 'Mini-Me 2' ng ABS-CBN's noontime variety show, 'It's Showtime'. Si Xia ay mula sa Exeter sa United Kingdom ngunit tila siya ay naka-base na ngayon sa Pilipinas.

Si Xia ay opisyal ng miyembro ng Viva Entertainment family matapos niyang pumirma ng kontrata sa nasabing kumpanya noong Enero. Sa kaniyang pagpirma ng kontrata, masaya naman na tinalakay ni Xia ang tungkol sa kaniyang pamilya. Kasama niya noon ang kaniyang ina at ang nakakatandang kapatid na lalaki.

 

 

Sa kabila ng kasikatan na tinatamasa ngayon ni Xia, nananatili pa din siyang mapagkumpapa at gumagamit pa din ng po at opo sa pagitan ng kaniyang mga salita at patuloy na sinasabi na wala umanong nagbago sa kaniyang pamumuhay kahit pa man ngayon na marami na ang nakakakilala sa kaniya.

Sa katunayan nga nyan ay kahit pa man siya ay nasa eskwelahan, sinabi niya na hindi siya tinatrato ng kaniyang mga kaklase bilang spesyal.

 

 

Si Xia ang kauna-unahang grand winner ng segment na 'Mine-Me 2' ng Its Showtime bilang Selena Gomez. Siya din ang co-host ng noontime variety segment na 'Xia and Kuys' kasama ang iba pang mga co-host na sina Billy Crawford at Vhong Navarro. Siya ay mas nakilala pa ng marami matapos niyang sumali sa Your Face Sounds Familiar: Kids (season 1) at para sa pagi-impersonate niya ng American singer at songwriter na si Taylor Swift.

Noong una, sinabi ni Xia na pangarap niya na maging isang weightlifter, hanggang sa naging salon girl ngunit ngayon ay tila mas gusto na niyang maging isang artista.

 

 

Sa nasabing interview sa child star, ibinunyag ng kaniyang ina na ang ama umano ni Xia ay nagmamay-ari ng 14 na bahay sa England. Sinabi din niya na lahat ng iyon ay mamanahin ni Xia.