Mister niregaluhan ang kanyang misis ng 1Carat Diamond ring matapos nitong mapagtagumapayan ang pagbabawas ng timbang

Napagtagumpayan ng isang misis ang pagpapapayat nang dahil sa reward na matatanggap niya sa kanyang mister.

Ayon sa report ng Chinese media, isang Taiwanese na mister ang nagbahagi nang isang post sa Facebook. Tungkol sa challenge na kanyang ibinigay sa kanyang misis.

Kwento ng nasabing mister tinanong siya ng kanyang misis kung anong gusto niyang regalo para sa kanyang kaarawan. Noong una ay wala daw siyang maisip na anumang materyal na bagay.

Kaya naman ang naisip niyang kahilingan ay ang magpa-payat ang kanyang misis.

“Two years ago, my wife asked me what do I want for my birthday, I initially answered ‘nothing’, but eventually I said ‘why not you try to lose weight for me once in this lifetime?’”.

Ipinangako ng mister na kung maa-achieve ng kanyang misis ang 55kg. na weight goal ay bibigyan niya ito ng 1carat diamond ring.

Agad namang kumasa ang misis sa hamon na ito ng kanyang mister. Ginawa rin niyang motibasyon ang reward na kanyang matatanggap.

Makalipas ang dalawang taon ng pagwo-work out at pagpupursigeng pumayat. Napagtagumpayan naman ng misis ang challenge ng kanyang mister.

Kaya naman sa kanyang Facebook post ay proud na proud ang Taiwanese husband. Ibinida niya ang laki ng nabawas ng timbang ng kanyang asawa.

From 130kg to 55kg, aniya sa kanyang post, “Queen mother, you did it”. Ang diamond ring naman na reward ay ibibigay umano niya sa birthday ng kanyang misis.

Maraming netizens naman ang namangha sa ginang. Good job umano ang ginawa nito na nakapagbawas siya ng 75kg sa loob lamang ng dalawang taon.

May nagsabi pa nga na sobrang motivation talaga ang naibigay ng 1carat diamond para makapagpayat ng mabilis ang ginang.