Jessy Mendiola in-explain kung bakit pinabago ang ‘setting’ ng engagement ring; handang-handa nang maging mommy

IBINALITA ng future mommy na si Jessy Mendiola sa madlang pipol na totoong ipinabago niya ang setting ng kanyang engagement ring.

Kung sisipating mabuti, talagang bonggang-bongga ang engagement ring na ibinigay sa kanya ng asawang si Luis Manzano.

Meron itong kumikinang na gemstone sa metal band ng singsing at ito nga ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Jessy na ipabago ito ng slight.

Sa kanyang Instagram post, nabanggit ng wifey ni Luis na may konek sa pagiging nanay niya very, very soon ang pagpapabago niya sa setting ng engagement ring.

Gumora raw talaga siya sa isang jewelry studio para gawing mas “child friendly” ang setting ng singsing bilang bahagi ng paghahanda niya sa pagsilang ng panganay nila ni Luis.

Sa ngayon daw, mas panatag na siyang isuot ang singsing kapag karga-karga na niya ang kanyang baby dahil safe na safe na ito sakaling mahawakan ng sanggol.

id="google_ads_iframe_/21631601933/inqphv1.bandera/chika_pixel1_0__container__">


“Now, I won’t have to worry about it getting caught or scratching my little one when he/she becomes a toddler. For now… back to the safe!” ang caption ni Jessy sa kanyang IG post.

Last week, ibinandera nga nina Jessy at Luis na magiging parents na sila after almost a year ng kanilang pagsasama bilang married couple.

Sa isa niyang Instagram post, ibinandera ni Jessy ang kanyang baby bump at ang sonogram ng kanyang magiging anak. Aniya sa caption, “Say hello to the world, our little Peanut.”

Ito naman ang unang mensahe ni Jessy nang nalamang buntis na siya, “What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.

“No matter what your plans are, HE has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best.

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible,” aniya pa.

“Join us as we enter this new journey in our lives as parents,” dagdag pa ni Jessy.