Pagtsugi ni Heart sa apelyido ni Chiz sa Instagram name ‘for branding purposes’ lang daw; gamit pa rin ang ‘Escudero’ sa Twitter

HOT topic ngayon ng mga “Marites” all over the universe ang pagtatanggal ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram profile.

Mula nga sa “Love Marie Ongpauco Escudero” ay makikitang “Love Marie” na lang ang nakasulat na pangalan ng fashion icon sa kanyang IG name.

At dahil nga rito, usap-usapan na ng mga netizens sa social media na baka raw may problema o issue ang Kapuso star at ang asawa nitong si Sen. Chiz Escudero.

Ayon sa mga nabasa naming comments sa socmed, kaya raw pala medyo iba ang vibe ng mag-asawa noong um-attend sila sa GMA Thanksgiving Gala Night.

“Oooh kaya pala nung gala, may tension between the 2 of them,” reaksyon ng isang netizen.
Sey naman ng isa pang nakapansin sa kakaibang kilos nina Heart at Chiz, “Actually since SONA, parang pensive mood siya, pansin ko.”


Pero may nagkomento naman na may “wife” pa rin namang nakalagay sa Instagram description ng account ng aktres kaya baka raw wala naman itong ibig sabihin.

Nang tingnan nga namin ito ang nakalagay sa description sa ilalim ng pangalan niya ay,  “Wife. Artist. CEO @pure_living . Author. Advocate.”

Sabi ng isang netizen, “Business purpose naman siguro ‘yung reason, kasi look at the description… still a wife… at nakilala naman siya na Heart eh.”

Narito ang ilan pang comments na nabasa namin tungkol sa pagtanggal ni Heart ng “Escudero” sa IG name niya.

“For branding purposes. Naguguluhan ang foreign press because she’s Heart Evangelista pero Love Marie Escudero ang handle niya.”

“Teh relax ka lang, it’s for branding purposes para sa international fashion career niya no.”

“I think it’s only to lessen confusion. Andami niyang pangalan, sa totoo lang. Haha. With Evangelista, Ongpauco and Escudero, it’s a mouthful if you’re not a Filipino reading it. Tapos may Love Marie pa on top of all that.”

Samantala, sa Twitter naman nananatiling “Love Marie O. Escudero” ang gamit na pangalan ng Kapuso actress at social media influencer.

Wala pang reaksyon ang mag-asawa hinggil sa issue. Ikinasal sina Heart at Chiz sa Balesin Island Club noong 2015.