Herman Salvador alyas Brod Pete may hamon sa Simbahang Katoliko: “Bayad taxes!”

May hamon ang kilalang komedyante na si Herman Salvador o mas kilala bilang si ‘Brod Pete’ sa Simbahang Katolika.

Sa kanyang komento sa post ni Maid in Malacañang (MiM) Direktor Darryl Yap ay sinabi ni Salvador na mas mainam na magbayad ng buwis ang simbahan kung gusto nilang makatulong sa mahihirap.

Hinamon di kasi ni Yap ang simbahan na gawing libre ang mga private schools kung talaga namang may malasakit sila sa mahihirap.

“Kung talagang gusto ninyong tumulong sa Mahihirap; Gawin nyong libre ang mga Catholic Private Schools at ipantay nyo sa Public ang Sweldo ng mga Guro ninyo. yun, ang tunay na malasakit.” ani Yap.

“At bayad taxes,” tugon naman ni Salvador.

Ilang netizens naman ang pumabor sa sinabi ni Salvador.

“Yun naman Pala hiwalay ang simbahan sa gobyerno e eh bakit noong kampanya Han sila pa nga nangunguna. (Di ko naman Nilalahat) at ginamit pa ang simbahan Para sa mangampaya. Tas pag bayaran ngTAX sasabihin nila hiwalay ang simbahan sa politika. wag yo na kami lokohin . Dapat na din kayo magbayad NG TAX Di puedeng puro kayo KABIG magbigay din kayo mga pari na nakikialam sa politika….” sabi ni Charito Bermisa.

“Some of these Catholic Schools employ under board teachers just so they can bargain for their Salaries.” wika ni Jay Samonte.

“Tama. Grabe mahal ng tuition fees sa Catholic schools tapos mababa ang sahod ng teachers na overworked yung iba kasi matatanda na yung mga pari at madre na nagpapatakbo ng schools kaya sila lahat gumagawa.” komento naman ni AJ Sanchez.

Matatandaan na nakaalitan ni Yap ang ilang miyembro ng simbahan dahil sa isang eksena sa MiM kung saan makikitang naglalaro ng mahjong ang mga madre.