By Rommel Gonzales
Tinanghal na first runner-up si Joshua De Sequera sa katatapos lamang na Manhunt International 2022.
Si Joshua ay male model na anak ng model/beauty queen/actress na si Marina Benipayo sa kanyang non-showbiz ex-husband.
Si Joshua ang Philippine representative ng Pilipinas sa katatapos lamang na modelling competition na ginanap sa Okada Manila nitong Sabado, October 1, 2022.
Nanalo rin si Joshua ng mga special award tulad ng Best Commercial Model, AQ Prime Streaming King, at Mr. Blackwater Sports.
Si Lochie Carey ng Australia ang grand winner ng Manhunt International 2022; si Lochie ay nanalo rin bilang Face of AQ Prime at Mr. Blackwater Bossing. Siya rin ang overall winner sa digital challenge physique winner.
Samantala ang pambato ng Amerika na si Elijah Van Zanten ay pumuwestong 2nd runner-up at winner rin sa Digital Challenge Runway.
Si Tran Manh Kien ng Vietnam ang nanalong 3rd runner-up at Best Swimwear Model.
Mula naman sa Netherlands ang 4th runner-up na si Cas Hagman.
.
Ang delegate mula sa South Africa na si Marcus Max Karsten ay nag-uwi ng special award bilang AQ Prime Entertainment King at Mr. Blackwater Men.
Si Daniel Jares ng Peru ay may special award bilang Mr. Blackwater Deo.
Ang iba pang special awardees ay ang mga sumusunod:
· Supun Maduranga (Sri Lanka)- Mr. Face of the Year.
· Samuel Albert (Canada)- Mr. Personality.
· Junhyeok Chang (South Korea)- Mr. Friendship.
· Hendson Baltazar (Brazil)- Mr. Photogenic.
· Deo Nikolas (Indonesia)- Mr. Popularity.
· Cedric Cabane (France)- Digital Challenge Casting winner
· Darren Kessler (Singapore)- Mr. Physique
· Jose Luis Trujillo (Venezuela)- Best Fashion Model Ang mga nagsilbing hurado o judges sa gabing iyon ng competition ay sina Pawina Bamrungot na isang Thai businesswoman, fashion photographer Jose Raymond Lontok, fashion designer Albert Andrada, Manhunt International 2012 Jun Macasaet, Blackwater brand representative Kevin Chua, Okada Manila Sales and Marketing Vice-President Cielo Ortega-Reboredo, actor/entrepreneur RS Francisco, at lawyer na si Honey Quiño.
Naging host naman sa pageant sina 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez at reigning Miss Universe Philippines-Tourism Michelle Dee.
Going back to Marina, bago pumasok sa showbiz ay nanalo si Marina bilang Binibining Pilipinas-Maja noong 1992 at naging representative ng Pilipinas sa Miss World 1992 pageant dahil nagkasakit ang orihinal na kandidata ng Pilipinas sa Miss World na si Marilen Espino.
Karelasyon ngayon ni Marina ang aktor na si Ricardo Cepeda.