Babaeng naanakan ng kanyang Step Father, lumayas kasama ang kanyang anak at sa kalsada nalang natutulog

Isang post mula sa isang concerned netizen na si Marillo Nalliasca ang usap-usap ngayon sa social media, ito ay tungkol sa agaw pansin na mag-ina sa labas ng BDO Imus branch.

Madalas din makita ng mga dumaan dito ang gumagapang na sanggol sa kalsada, wala itong soot na diaper o kahit short man lang. Mapapansin din sa sanggol ang mga rashés nito sa pwérta, habang ang Ina ng bata ay mahihinuhang nasa murang edad pa lamang at halatang balisa ito.

Ayon kay Marillo, habang pinagmamasdan niya ang mag-ina ay may isang samaritano ang nag mabuting loob na nagbigay rito ng isang latang gatas at isang bagong bote para sa kawawang sanggol.

Makikita sa kilos ng batang Ina na hindi niya alam kung paano ito timplahin, kaya naman dahil diyan ay hindi na nakapagpigil ang concerned citizen na si Marillo. Ito ay kanilang nilapitan at tinuruan kung paano ang tamang pagtitimpla ng gatas sa bote.

Hindi naman naka-imik pa ang batang Ina at bakas din sa mga mukha nito ang kasiyahan mula sa natanggap nitong gatas at bote para sa kanyang anak.

Nang tanungin naman siya ni Marillo kung saan siya nakatira, ito ang kanyang isinagot,

“WALA PO KAMING BAHAY”

Nagulat naman si Marillo ng sabihin ito ng Babae sa kanya,
“LUMAYAS PO AKO SA AMIN KASI PO ANG STEPFATHER KO ANG TATAY NG ANAK KO.”

Hindi mapigilan ni Marillo na maawa sa Babae dahil sa sinapit nito hindi rin alam ni Marillo kung paano nila matutulungan ang kawawang mag-ina.

Para kay Marillo, bilang isang Ina rin siya ay nais niyang makatulong sa kahit anong paraan dahil sa sobrang naawa siya ng malaman niya ang istorya ng kalagayan ng kawawang mag-ina.

Buti na nga lang daw ay mayroong malapit na ukay-ukay kung saan naroon ang mag-ina, Aniya ni Marillo.

“Bumili ako ng blouse at jacket para sa nanay at tatlong jacket at short na mahaba para kay baby.”

Samantala, nang bumalik si Marillo kung nasaan ang mag-ina ay laking gulat niya na wala na ang dalawa rito na naglaho parang bula.

“Pagbalik ko wala na sila pinag-tanong ko sila buti may nakapagturo. Inabot ko sa kanila yung munting tulong ko sabi ko bihisan ang bata at magbihis din sya. Sabi ko sa kanya mag-iingat sa kalsada.”

Dagdag pa ni Marillo, sinabihan niya rin ang Ina ng bata na sasamahan niya ito sa kinauukulan para humingi ng tulong at suporta ngunit wala daw itong naging tugon.

Hindi naman maalis sa isipan ni Marillo ang mag-ina kaya naman ipinagdadasal niya na ito ay nasa ligtas at maayos na kalagayan.

Ayon naman kay Marillo ng hindi niya ito naabutan muli, siguro daw ay naglibot muli ang mag-ina upang manghingi ng limos kaya naman mas minabuti ni Marillo na iwanan na lamang sa tabi ng gamit nito ang mga tinapay na sanay ibibigay niya mismo sa mag-ina.

Pahabol naman ni Marillo ay ang panawagan sa pamahalaan ng Imus, Cavite na mabigyan pansin ang hirap na kalagayan tulad raa ng nararanasan ng batang mag-ina.